Advertisers

Advertisers

GIYERA SA SOCMED NI MADAM LAM AT VLOGGER NA SI MAHARLIKA?

0 23

Advertisers

Patindi ng patindi ang banat sa social mediang vlogger na si Maharlika na naka- base sa America.

Sentro ng kanyang regular na pagbatikos ay si First Lady Liza Marcos na inaakusahan niyang protektor ng mga smugglers sa Bureau of Customs.

Sa halos araw- araw na pagbatikos ni Maharlika sa social media laban sa mag- asawang Marcos Jr., marami na sa ating mga kababayan ang nalilito at nagugulat sa mga buong tapang nitong expose’.



Pati sa pagtatalaga sa mga presidential appointees,may direct hand daw umano si Madam LAM.

Eto ang alyas na ibinigay ng vlogger na si Maharlika kay Liza Araneta Marcos.

Pati umano ang mga malalaki at bigating businessmen at negosyo sa bansa ay kayang i- harass umano ni Madam LAM.

Inihalimbawa ni Maharlika ang kaso ng Okada Hotel and Casino kung saan pinapelan umano ng First Lady ang ownership dispute ng nasabing casino pabor sa isang paksyon.

Male- maletang dolyares umano ang napunta sa isa grupo ni Madam LAM.

Hindi birong mga akusasyon ito na sa araw- araw ay ipinakakalat ni Maharlika laban sa First Couple na sobrang below the belt at natutunghayan di lamang ng mga mamamayang Pilipino, kundi ng buong mundo.



Kabilang na dito ang umano’y paggamit ng “pulbos” ng mag- asawang PBBM at FL.

Dito tayo nagtataka kung paanong nakakapangyari at lumalabas ito sa socmed na walang ginagawang hakbang ang gobyerno.

Pangulo at Unang Ginang ng ating bansa ang binababoy ang pagkatao sa araw- araw pero walang magawa ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan to prevent it.

Ano ang ginagawa ng DICT, NTC and the likes to protect the President and his immediate family?

Hindi lamang sa Pilipinas may epekto ang mga paninirang ito kundi sa buong mundo na ang impresyon sa First Couple ay immoral at gumagawa ng labag sa batas.

Kung hanggang saan at hanggang kailan ito makakapangyari ay sadyang di natin alam.

Ang tiyak lang,kaladkad sa mabantot na pusalian ang imahe at reputasyon ng bawat Pilipino sa ginagawang paninira sa mag-asawang Marcos.

Damay ang lahat ng mga Pilipino sa mata ng buong mundo.

Sa pananaw ng mga netizens at sa followers ng vloggers na si Maharlika.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]