Advertisers

Advertisers

WALANG FISHING BAN — MARCOS

0 8

Advertisers

NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magpapatupad ng fishing ban ang pamahalaan dahil maaapektuhan nito ang kita ng mga maliliit na mangingisda.

Sa panayam ng media matapos mamahagi ng bigas sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado, Setyembre 23, sinabi ng pangulo na hindi fishing ban kundi fishing restriction lamang ang ikakasa sa ilang breeding areas.

Binigyang diin ni PBBM ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa itlugan ng mga isda para matiyak hindi maaapektuhan ang kita ng mga mangingisda at maging masagana ang suplay ng isda sa bansa.



Matatandaang iginiit ng pangulo na kailangang tugunan ang overfishing at mapalakas ang fish population at aquaculture sa buong kapuluuan. (Gilbert Perdez)