Advertisers

Advertisers

‘DRUG DEALER’ PATAY, 9 PULIS SUGATAN SA ENGKUWENTRO!

0 28

Advertisers

TODAS ang isang “drug dealer” habang sugatan ang siyam na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa isang engkwentro sa Panamao, Sulu, Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ni Colonel Narciso Paragas, director ng Sulu provincial police, ang nasawing wanted person na si Muksidal Jumadil na may kinakaharap na iba’t ibang kasong kriminal sa mga korte sa probinsya, kabilang na ang illegal possession of firearms at murder.



Mapayapa sanang hahainan ng ilang warrant of arrest si Jumadil sa kanyang hideout sa Barangay Seit Higad sa Panamao ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Sulu, Sulu Provincial Police Office, Panamao Municipal Police Station, at tropa ng 7th Special Action Battalion-SAF ngunit siya ay naglabas ng isang M14 assault rifle at nagpaputok kaya nagka-engkwentro, nag-resulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay Paragas, anim na miyembro ng 7th SAB ang sugatan sa palitan ng putok sa kuta ni Jumadil.

Sa hiwalay na ulat ng 7th SAB, siyam na miyembro nito ang sugatan sa insidente, tatlo sa kanila mga opisyal.

Ayon sa ulat ng 7th SAB, ang mga nasugatan sa tropa ay sina Capt. Nolie Agmaliw, Lt. Rico Apal, Lt. Earl Abdurajan III, Cpl. Reymir Subion, Cpl. Lindo Macua, Cpl. Oliver Alviar, Cpl. Andres Dalang, Patrolman Edison Ray Paris at Patrolman Lionel Suaverdes na agad naisugod sa pagamutan sa Jolo.

Maliban sa kasong illegal possession of firearms, wanted din si Jumadil sa pagpatay ilang buwan palang ang nakakalipas sa isang babaeng negosyante, Nurdija Damman Aminuddin, sa Barangay Kanmindus sa Luuk, Sulu dahil lang diumano sa hindi naman matinding pagkakaunawaan.

Kanyang pinagpuputol-putol ang katawan ni Aminuddin at ikinalat sa iba’t ibang lugar sa Barangay Kanmidus, ayon sa records mula sa Sulu Provincial Prosecutor’s office.