Advertisers

Advertisers

Lorna binisto, naging maldita pero nakatikim ng taray kay La Oro

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAHIGIT limang dekada na sa showbiz si Lorna Tolentino pero hanggang ngayon ay aktibong-aktibo pa rin ang kanyang showbiz career. Hindi siya nawawalan ng proyekto.
Sa panayam sa award-winning actrerss ng PEP.ph, sinabi niya ang dahilan, o kayang sikreto kung bakit hanggang ngayon nga ay nasa limelight pa rin siya.
Sabi ni LT,”Yung industriya naman mismo, yung lahat ng katrabaho mo, yun ang unang-una, e, maging maayos ka sa kanila. And then sa ano mo, sa kumpanya na pinagtrabahuhan mo.
“Yung sa pag-aartista mo, yun na yun mismong habang nagtatrabaho ka—from yung staff, yung crew, yung mga artista, kailangan meron ka rin kahit papanong rapport sa kanila.”
Sa tanong kung nagmamaldita ba ang isang Lorna Tolentino, ang natatawang sagot niya,“Parang ang tanda ko na para sa ganun. Parang yung noon puwede, nung bata pa ako. Nung bata pa ako, maldita talaga ako, sino ba naman hindi?
“Dadaan ka naman talaga sa time na sobrang dami ng ginagawa mo na pelikula and then siyempre, kumbaga, minsan puyat ka. Ang daming ano, dahilan, para magmaldita.”
Wala raw siyang natarayang mga baguhan ngayon. Pero inamin niya na noong baguhan pa lang siya ay natarayan siya ng isang senior star.
Kuwento niya, “Ako mismo, ako ang natarayan.
“Kumare ko na siya at mahal na mahal din niya ako-si Oro.”
Ang Oro na tinutukoy ni LT ay ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa.
Pagpapatuloy niya, “Kasi naman tumalon kami nun sa 100 feet, (eksena sa isang movie na ginawa nila), tapos likod ko yung tumama. E, siya ang galing niya, diretso talagang ganun. Di naman ako tinuruan ng lola mo!
“So ngayon, hindi ako makabangon, e, may susunod na eksena nung gabi.
“Hapon kinunan yung talon, gabi, hindi ako makabangon, ang sakit ng likod ko.
“So talagang tiniis ko, tas galit na galit na siya, ‘Pagsabihan niyo yan, pag hindi yan [bumangon], uupakan ko yan.’
“Sabi ko, ‘Bababa na nga ako,’ nakasimangot na ganun sa akin.”
Hindi na raw nila ito pinag-uusapan ngayon.
Sabi ni Lorna, “Ah, hindi, wala, nagmamahalan na kaming sobra-sobra, e.”
***
INARESTO ang drag artist na si Pura Luka Vega sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila, noong Miyerkules, October 4, 2023. Ito ay matapos niyang hindi sumipot sa preliminary investigations ng criminal complaint na isinampa laban sa kanya ng mga deboto ng Itim na Nazareno o Hijos del Nazareno Central.
Ang grupo ng Hijos del Nazareno Central ang nangangalaga sa imahe ng Itim na Nazareno tuwing Traslacion sa Quiapo.
Ang warrant of arrest kay Pura ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 ng Maynila at pirmado ni Acting Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva.
P72,000 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon naman kay Drag Den creator Rod Singh, walang natatanggap si Pura na subpoena. Masipag din daw itong um-attend sa hearings ng mga reklamong kinahaharap nito sa Quezon City.
Noong August 17, nagsampa ng reklamo ang Hijos del Nazareno Central laban kay Pura.
Ayon sa kanila, paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang video post sa remix performance ni Pura ng “Ama Namin.”
Pero kung ganyang wala naman palang natatanggap na subpoena si Pura, paano siya makakapunta ng hearings, di ba?