Advertisers
IPINASA-DIYOS na lamang ni dating Senadora Leila De Lima ang mga atake at paninira sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay De Lima, pinag-uusapan pa ng kaniyang mga abogado ang maaring maisampa laban sa nakaraang administrasyon na siyang dahilan kung bakit ito nakulong.
Sa ngayon aniya ay nanamnamin niya muna ang pagiging malaya at ayaw niya munang pag-usapan ang pulitika.
Matatandaang nitong Lunes pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang motion for reconsideration na siya ay makapagpiyansa.
Naging kritiko kasi ang dating senadora ng dating Pangulong Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga kung saan marami ang nasawi.
Taong 2017 nang maa-resto ang dating senador matapos na akusahan siya ni Duterte ng pagpapatakbo ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.