Advertisers

Advertisers

‘Army Kernel’, 3 pa timbog sa mga iligal na baril

0 55

Advertisers

Biñan City – Nakumpiska ang tatlumpu’t walo (38) sari-saring baril, sari-saring magazines at libo-libong bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril sa pagsalakay sa isang “Army training ground” sa Biñan City nitong Sabado, Nobyembre 18, 2023.



Matagal nang minamanmanan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Laguna Provincial Field Unit kasama ang pinagsanib na pwersa ng PNP Biñan at AFP.

Bitbit ang limang (5) Search Warrants kaugnay sa bawal na pag-ingat ng mga baril at bala na inisyu ni Hon. Agripino R. Bravo, Executive Judge ng RTC, Lucena City, Quezon, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, sinalakay ng mga pulis ang ilang tirahan sa Amsterdam St., Town and Country, Barangay Langkiwa, sa nasabing lungsod at inaresto sina Jose Francisco Ramos III na subject ng search warrant, at sina Mark Sales at Darwin Darwin Regonis.

Si Ramos ay nagpakilala bilang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines na may ranggong Army Lieutenant Colonel o General at nag-recruit sa pamamagitan ng social media (FACEBOOK) sa mga indibidwal na gustong sumali sa Philippine Wildlife Sentinel Unified Command (PWSUC).

Iginiit ng suspek na ito ay isang organisasyong kaanib ng DENR at nagsisilbi ring force multiplier para sa militar.

Ginagamit ng grupo ang mga bakanteng lote sa sinalakay na lugar bilang training ground.
Ibinunyag sa verification mula sa 1303rd Defense Regional Community ng Philippine Army na si Ramos ay hindi isang AFP Reservist at walang records of assignment, o wala sa rooster ng AFP’s Joint Task Force NCR.

Ibinunyag din ng verification mula sa DENR-4A na ang Philippine Wildlife Sentinel Unified Command (PWSUC) ay hindi kaakibat o konektado sa DENR-4A bilang Deputized Wildlife Enforcement Officers (WEO’s).

Ang mga naaresto at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa CIDG Laguna PFU Office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.(ROY TOMANDAO)