Advertisers
PATAY ang isang titser nang pagsasaksakin sa Tacloban City nitong Sabado.
Nakilala ang biktima na si Bernabe Baciano, 39 anyos.
Natagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng biktima na duguan sa Barangay 98 Camansihay, ilang kilometro mula sa kanyang tinitirhan.
Ayon sa mga pulis, pagnanakaw ang isa sa mga anggulong tinitingnan nila sa imbestigasyon. Nawawala kasi ang singsing, kuwintas, at pera ng biktima.