Advertisers
Alam ba ninyo ang mga unang bansag kay Rosalio “Yoyong” Martirez?
“Waray” ang tawag sa artistang basketbolista nang mag-aral siya sa Southwestern University sa Cebu.
Dangkasi nga ay Waray siya mula sa Samar.
Nang napabilang naman sa San Miguel Braves sa MICAA ay bininyagan siya ng batikang sportscaster Willie Hernandez na Speedy Martirez.
Yan ang mga tidbit na nalaman natin sa dating vice-mayor ng Pasig nang maging piling-piling panauhin ng OKS nitong Lunes.
Nakapanayam namin ng katotong Lito Cinco ng halos isang oras ang isa sa mga featured na cager sa librong When We Were Champions ni Noel Albano.
Ang saya ng episode dahil kwela talaga si Yoyong.
Pwede ninyong mapanood ang kabuuan ng Biofresh sponsored-OKS sa YouTube. Search nyo OKS@DWBL Nov 27, 2023.
***
Noong huling pitak ay binigyan nating ng pagpapahalaga ang mga kabiyak ng puso ng mga idolo sa PBA.
Tinatanong ni Aling Barang kung paano naman daw ang mga personalidad sa pro league na may higit sa isa ang dyowa.
Mayroon daw kasi siyang alam na hoopster na maraming waswit.
Mayroon din daw siyang kilalang coach na maraming bahay ang inuuwian.
Ewan natin sa kanila. Ang sigurado lang natin ang mga tulad nila ay marami ring pakikisamahang biyenan. Hehe.
***
Para isalarawan ang estado niLeBron James bilang pinaka may edad na player saNBA ay binabanggit ngayon ang mga sumusunod.
Una ay ipinalabas nilang muli ang larawan kung saan ipinakita na binabantayan ni Darvin Ham ang 19 años na LBJ.
Ito ay kuha sa game ng Detroit Pistons at Cleveland Cavaliers noong ika-24 ng Nobyembre 2004.
Si Ham ay kasalukuyang coach na ni King James sa LA Lakers.
Pangalawa ay may video clip na nasa social media na kausap ni James ang isang katunggali. Sinasabi ni Jabari Smith Jr na anak siya ni Jabari Smith Sr na kalaban noong unang laro niya sa liga.
Sa isang panayam naman sa ama ni Bronny ay idiniin ng media man na matanda pa ang 4 time champion sa mentor ng tinalong Utah Jazz na si Will Hardy. Si Hardy kasi ay 35 lang samantalang si LeBron ay 39 na nitong Disyembre.
Yan ay ilan lang sa mga trivia sa ika-21st na season ng top scorer ng 75 na taong NBA.