Advertisers

Advertisers

Higit P600K droga nasabat sa sa Antipolo

0 5

Advertisers

ARESTADO sa magkahiwalay na buy-bust operations ang dalawang itinuturing na High-Value Individuals (HVI) sa Antipolo City.

Unang nahuli ang isang 37 anyos na lalaki Martes ng gabi, sa Barangay Mayamot, Antipolo City.
Habang nahuli nitong Sabado ng gabi ang isang construction worker sa Barangay Dela Paz sa parehong lungsod.

“Within the span of four days nagkaroon tayo ng mga magandang intelligence report at nagkaroon tayo ng buy-bust at nasukol po natin itong dalawang High-Value Individuals natin kung saan more than 20 grams yung kanilang nakuha sa kanilang possession during the buy-bust,” ayon kay Police Lt. Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police.



Nasabat sa unang nahuli ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P345,000, at sa pangawalang nahuli ay 37 grams ang nasamsam na nagkakahalaga ng P255,300.

“Pag lumampas ka ng 20 grams matatawag ka na High-Value Individual. Nasa listahan ka, tapos sa mga previous operations is natuturo ka na source doon sa mga street level,” dagdag ni Manongdo.

Sa ulat, may mga suki ang mga suspek na mga tricycle driver at iba pang madalas magpuyat.
Itinanggi ng unang inaresto ang paratang laban sa kanya, depensa niya napag-utusan lamang siyang iabot ang ilegal na droga.

Todo tanggi rin ang construction worker sa krimeng kinakasangkutan:

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">