Advertisers

Advertisers

Lider at bomb expert ng Sayyaf todas sa operasyoon sa Basilan

0 3

Advertisers

TIGOK ang lider at bomb expert ng Abu Sayyaf group sa operasyon ng militar sa Tipo Tipo, Basilan, Sabado ng gabi.

Nakilala ang napatay na terorista na si Mudzimar Sawadjaan alias “Mundi”.



Ayon kay Brig. General Alvin Luzon, commander ng 101st Infantry Brigade, 6:30 ng gabi nang masabat ng mga sundalo ang terorista sa dalampasigan ng Barangay Banah, Tipo Tipo.

Nagsagawa ng operasyon ang militar nang makatanggap ng report sa planong pagtakas ng suspek sa isla ng nasabing lalawigan.

Habang nagsasagawa ng maritine operation ang mga sundalo, nasabat ang grupo ni Sawadjaan.

Tumagal ng ilang minuto ang engkwentro na nagresulta ng pagkasawi ng terorista.

Namataan si Sawadjaan sa Basilan kasama ang isang Indonesian na si Ahmad Rullie at isang alias Dodong makaraang tumakas sa Sulu dahil sa patuloy na operasyon ng militar laban sa teroristang grupo.

Dinala ang labi ni Sawadjaan sa Local Governmet Unit para sa maayos na paglilibing base sa tradisyon ng Muslim. (Mark Obleada)