PAREHONG binawian ng buhay ang dalawang magsasaka nang magduwelo ng tagaan dahil sa dati nang alitan tungkol sa lupa, gabi araw ng Biyernes, sa Barangay Silongin, San Francisco, Quezon.
Kinilala ang mga nasawi na sina George Hipgano at Leonido Tahup, kapwa nasa hustong gulang at parehong mga residente sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nagsisilong ng kani-kanilang mga kalabaw ang dalawa nang sugurin at pagtatagain ni Tahup si Hipgano, na nagawa naman makaganti ng paghataw ng itak sa una, at kapwa nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kani-kanilang mga katawan. (KOI LAURA)