Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman sa Ilocos todas sa riding in tandem

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin habang pauwi ng bahay sa Marcos, Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Helen Abrigado, re-elected chief ng Barangay Ferdinand.



Pinagbabaril ito ng dalawang hindi pa tukoy na salarin na sakay ng motorsiklo.

Sa ulat, sakay ang kapitan ng isang Mitsubishi L300 FB truck na pagmamay-ari ng barangay at minamaneho ni Kagawad Carlo Bagaoisan. Binabagtas nila ang Barangay Tabucbuc nang atakehin sila 9:50 ng gabi.

Kasama si Abrigado sa convoy ng mga barangay health worker at iba pang opisyal ng barangay nang mangyari ang insidente na katatapos lamang dumalo sa Christmas season kick-off ng kanilang bayan sa munisipyo nang naturang araw.

Sinundan ng riding in tandem si Abrigado at ang sinasakyan nito, at ilang beses na sinubukang mag-overtake hanggang sa pinaputukan na ang biktima ng apat na beses.

Hindi naman nasaktan ang iba pang nakasakay sa sinasakyan ni Abrigado.

Naglunsad na ang pulisya ng hot pursuit operation upang maaresto ang mga salarin.