Advertisers
Patay ang isang mister at naaresto ang misis nito sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga miyembro ng Sta Ana Police Station noong Huwebes ng gabi sa Purok 4, Isla Verde, Quezon Boulevard, Barangay 23-C, Davao city.
Kinilala ang nasawi na si Norhan Dibaratan alyas Mina at asawa nitong si Darlene Monique Saines Monib.
Pinangunahan ni PLt Col Ronald Lao kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit o’ PDEA XI at National Bureau of Investigation o’ NBI XI, ang mag-asawan alyas Mina napabilang sa Top 1 drug watchlist ng Davao Region at misis nitong si Darlene.
Sa isinagawang operasyon, binaril ni alyas Mina ang mga miyembro ng PDEA at gumanti naman ito dahilan mabaril ang suspek at tinamaan sa katawan, agad na dinala ang suspek sa Southern Philippines Medical Center o’ SPMC ngunit hindi na ito natulungan at binawian ng buhay sa ospital.
Habang naaresto ang misis na si Darlen kung saan nakumpiska ang 13 pakete ng shabu, 55 gramo na nagkakahalaga ng P374,000.
Narekober din ang isang .45 remington rand pistol, pitong .45 caliber fired cartridge cases, dalawang .45 bullet slug at dalawang .45 na live na bala.