Advertisers

Advertisers

Nawawalang eroplano sa Isabela, pinaghahanap pa rin

0 4

Advertisers

Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang eroplano na nawawala nang mag-take off sa Cauayan City Airport sa Isabela.

Sa pahayag ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), nagtungo na ang mga search and rescue team sa San Mariano, Dinapigue at Palanan sa Isabela upang suyurin ang kagubatan sa pag-asang mahanap ang Cyclone light aircraft na may tail number RP-C-1234.

Kabilang sa mga rescue team ang Palanan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Palanan Municipal Police, Bureau of Fire Protection at Philippine Army.



Isa ring grupo ng mga rescuer na binubuo ng mga miyembro ng Isabela Provincial Mobile Force Company ang nagtungo na sa Barangay Casala, San Mariano upang tumulong sa operasyon.

Matatandaang umalis ang nasabing eroplano sa Cauayan Airport 9:39 ng umaga ng Nobyembre 30, patungong Palanan Airport.



Gayunman, hindi na ito nakalapag sa nasabing lugar.

Kabilang sa sakay nito ang pilotong si Capt. Levy Abul II at isang pasahero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">