BUHAY pa ang tsansa ng National University na masungkit ang kanilang ika-walong sunod-sunod na UAAP women’s basketball title.
Ito ay matapos masilat ng Lady Bulldogs ang University of Santo Tomas sa manipis na,72-70, sa Game 2 ng Season 86 women’s basketball finals Linggo sa Araneta Colesium sa Quezon city.
Pinamunuan ni Camille Clarin ang opensiba ng NU sa iniskor na 18 points at eight assists, at tinanghal na Player of the Game,karl Pingol nag-ambag ng 12 at princess Fabruada nagtapos ng 13.
Ito ang kanilang unang Game 3 sapul sa Finals ng UAAP Season 76, kung saan kinapos sila sa De La Salle Lady Archers.
Pastrana,Ferrer, at Rocel Dionesio umiskor ng tig-15 puntos para sa UST,Habang si Ana Tacatac nagtapos ng 12.
Ang deciding Game 3 ng series ay sa Miyerkules, December 6, 12 pm sa parehong venue.
Ang Iskor:
NU – 72 — Clarin 18, Pingol 14, Fabruada 13, Surada 8, Berberabe 5, Solis 5, Canuto 4, Betanio 3, Cayabyab 2, Konateh 0, Bartolo 0.
UST – 70 -– Pastrana 15, Ferrer 15, Dionisio 15, Tacatac 12, Santos 4, Soriano 3, Bron 3, Maglupay 2, Villasin 1, Ly 0,