Advertisers

Advertisers

PNPB 48th anniversary: prayer for the “body of Christ”

0 2

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Habang sila’y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban sa loob ng kulungan ng mga alagang hayop, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan…” (Lucas 2:6-7, Ang Tanging Daan Bibliya).

***



MGA TANONG TUNGKOL SA KAPASKUHAN: Habang papalapit ang taunang pagdiriwang kaugnay ng sinasabing pagsilang ni Jesus sa daigdig na ito, may ilang mga tanong na dapat masagot ng mga Kristiyano na nagsasabing tagasunod sila ni Jesus.

Una, tunay ba na ang Panginoong Jesus ay isinilang ng Disyembre 25? Ikalawa, bakit sa kulungan ng mga hayop isinilang si jJesus?

At bakit isang sabsaban ang pinaglagakan kay Kesus matapos siyang isilang ng Kaniyang ina, si Maria?

Ikatlo, bakit mga pastol ng hayop ang unang nagtungo sa lugar kung saan isinilang si jesus?

At, bakit kaya mga haring Hentil, o mula sa mga lugar na malayo sa Israel at Jerusalem, at hindi ang mga pinuno ng mga Judio at mga Israelita noon, ang bumisita kay Jesus?



Hindi layunin ng mga tanong na ito na alisin ang paniniwala na Disyembre 25 ang birthday ng Panginoong Jesus.

Bagkus, nais lamang ng mga nasabing tanong na pag-isipan ng mga tao, lalo ng mga nagsasabing mga tagasunod sila ni Jesus, kung ano naman ang kanilang magiging pananaw sa mga bagay na ito.

Ang katotohanan ang dapat laging mamamayani, lalo na isyu ni Jesus.

***

PANALANGIN PARA SA “KATAWAN NI KRISTO” SA PILIPINAS: Isang taimtim na paghiling sa Diyos na yugyugin na Niya ang hanay ng mga mangangaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon, upang ang katotohanan ng Diyos ang kanilang ipangangaral o ituturo sa sambayanan.

Kung pag-i-isipang mabuti, ito ang buod ng “Panalangin para sa Sambayanan o Katawan ni Kristo sa Pilipinas at sa buong mundo” na inilahad ng inyong lingkod bilang Mahal Na LD o Lider Disipulo ng Simbahang AND KNK, sa 48th anniversary ng Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) noong ika 29 ng Nobyembre 2023.

Kasi naman, napakasama na halos lahat ng tao. Delikado ito, lalo pa at nakikita na ang wakas ng buong kalawakan, ayon na din sa mga tanda ng wakas na inilahad ni Jesus sa Mateo 24, Lucas 21 at Marcos 13.

Kailangang maibalik na ang lahat ng tao sa tapat na pananampalataya, pakikinig, at pagsunod sa mga utos ng Diyos, upang makaiwas sila sa paparating na Araw ng Matinding kKapighatian, at upang makamtan nila ang tatlong antas ng kaligtasan.

Ang problema, marami ang mga mangangaral ngayon na tila hindi alam kung ano ang ihahayag nila tungkol kay Jesus. Dahil dito, marami sa tao na nasasakupan nila ang magpapatuloy sa kapariwaraan, gaya ng sinasabi ng Hosea 4:6.

***

PNPB 48TH ANNIVERSARY PRAYER FOR THE “BODY OF CHRIST”: Naririto po ang aking panalangin para sa Body of Christ, noong PNPB 48th Anniversary, ika 29 ng Nobyembre 2023 sa Manila Hotel:

“Let us pray.

Hallelujah!

O Jesus our God and Savior who is God the Father, Son, and Holy Spirit, we come to you in full gratitude, that You have allowed all of us to gather together, here at the Philippine National Prayer Breakfast and celebrate its 48th annual prayer breakfast today, November 29, 2023.

In your Name of Jesus, we pray for the Body of Christ, in the Philippines and in the whole world, to continue to be strong in fulfilling the commands of Jesus for all of us to go and make all nations His disciples, baptizing them in His Name of Jesus, the Name of the Father, Son, and Holy Spirit, and teaching them to obey everything He has commanded believers to do.

We pray that the Body of Christ, in the Philippines and in the whole world, recognize the urgency of furiously and urgently fulfilling all of those cemmands, in view of the occurrence of the signs foreboding the end of the whole universe, with the second coming of Jesus.

We pray that we be reminded of the Holy Bible’s admonition in Ezequiel 3:17-19, that all those who have been called by God to proclaim His truth should indeed proclaim Him now, for if they so proclaim God’s truth, they would be saved, but if they tarry in their duty to proclaim God’s truth, and the people are not guided back to Him, divine wrath shall be heaped upon all of them.

We ask all of this, in Your Name of Jesus, Amen…”

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): KAKAMPI MO ANG BATAS, ala una ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo Pilipino Luzon, Visayas, at Mindanao, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/radyopilipino, facebook.com/attybatas, facebook.com/philiplmauricio, at YouTube.com/ Kakampi Mo Ang Batas.

***

MANOOD, MAKINIG (PART 2): AND KNK THE ONE’S CHANNEL, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga, hanggang alas 9 ng gabi, sa facebook.com/ANDKNK, facebook.com/Ang Tanging Daan, facebook.com/attybatas, YouTube.com/AND KNK.