Advertisers

Advertisers

Tirador ng motorsiklo timbog sa Bulacan

0 3

Advertisers

Hindi na nakalayo pa sa mga humahabol na barangay tanod at pulis ang isa sa dalawang carnapper ng motorsiklo sa District 2 ng Bulacan.

Sa report na tinanggap ni OIC PNP Provincial Dirdctor PLt.Col. Jaquiline Puapo, kinilala ang nadakip na suspek na si Mark Ivan Regis Y Cayman, 24 anyos, ng Brgy. Vergen delos Flores sa syudad ng Baliuag; habang nakatakas ang kasama nito na nakilalang si Mark Christian Pajares, 19 anyos.

Sa ulat, 1:00 ng hapon nang tutukan ng patalim ang biktima na may ari ng Yamaha Mio-i125 na may plaka na 279TVP, habang nasa harap ng isang tindahan ng Ukay-ukay sa Brgy. Liciada sa bayan ng Bustos.



Nabatid na sakay ng tricycle na may plakang CP15379 ang mga suspek ng dumating sa lugar.

Samantala kasong paglabag sa RA 10883 (Carnapping)ang suspek habang tumutugon pa ang kasamahan nito.(Thony Arcenal)