Advertisers

Advertisers

PULIS-RIZAL KULONG SA 2 COUNTS MURDER

0 16

Advertisers

ARESTADO ang isang aktibong pulis na nahaharap sa dalawang beses na pagpatay,  Lunes ng gabi sa Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Kinilala ang inaresto na si Police Staff Master Sargeant Redentu Anilao, 42 anyos, nakatalaga sa Quick Reaction Platoon Section, Camp Security and Escort Unit, Headquarters Support Service sa Camp Brigadier General Rafael T. Crame.



Sa ulat ni  Rizal Police Provincial Director, Colonel Felipe B. Maraggun; kay Calabarzon Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, si Alinao ay inaresto sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ng korte sa San Mateo na may petsang November 24, 2023 para sa kasong 2 counts murder na kinasangkutan ng pulis  taon 2011, habang patuloy pang pinaghahanap ang isa pang kasabwat.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa San Mateo Custodial and Holding Facility si Anilao at walang inirekomendang piyansa. (KOI LAURA)



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">