Advertisers

Advertisers

27 OFWs na galing Israel, nakauwi na ng bansa

0 2

Advertisers

NAKAUWI na sa bansa ang nasa 27 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel nitong Lunes.

Ayon sa Department of Migrant workers (DMW), ito na ang ika-11 batch na mga OFW na umuwi ng bansa mula sa Israel at ang 25 sa mga ito ay caregivers at dalawa ay hotel workers.

Lumapag sakay ng Etihad Airways flight EY424 sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 sa Pasay City ang mga OFW dakong 3:10 ng hapon.



Nakahanda naman na ang tulong mula sa pamahalaan para pa rin sa mga Pinoy na umuwi dahil pa rin sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.