Advertisers
NAKAHANDA ang Pilipinas sa darating na El Niño phenomenon sa mga susunod na taon kung saan ay nagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang ibang cabinet officials.
Sa pressbriefing sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na makakaranas ng tagtuyot sa una hanggang ikalawang quarter ng taong 2024 mula Marso hanggang Abril. Maka-raranas ng dryspell ang halos 64 provinces at dry spell sa 12 probinsiya.
Nagtatag ng task force ang NEDA ng National action plan.
Kasama sa mga magsasama-sama para magtulungan na mga ahensya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Health (DOH), Department of National Defense, Department of Science and Techology at Department of Agriculture, kabilang din ang mga local government units (LGUs).
May mga irigasyon na iniutos ang Pangulo para sa pagtulong sa mga magsasaka.
Ang DOH ang siyang mangangasiwa sa kalinisan ng tubig dahil kapag tag-init marami ang nagkakasakit dahil ang daloy ng tubig ay natuyuan at para maiwasan ang sakit na cholera para sa public safety. (Vanz Fernandez)