Advertisers

Advertisers

Speaker Romualdez at Rep. Tulfo nanguna sa paggisa sa mga agri officials sa pangakong huhupa presyo ng bigas nganga?

0 11

Advertisers

Bakit nga ba na hanggang sa ngayon ay tila walang nangyayaring pagbaba sa presyo ng bigas sa halip ay lalong pataas ng pataas sa katunayan sa mga pamilihan mula sa Lalawigan ng Cavite ay wala ng makikitang P40 per kilo 53 pesos ang pinaka mababa.

Kaya nagtatanong ang mga Ka Usapang HAUZ kung ang kautusan ba ng Pangulong BBM hinggil sa sapat at mababang presyo ng bigas ay nasusunod o puro Opo Mr. President ang mga namumuno sa Department of Agriculture hindi kasi nararamdaman ng Sambayanan ang pangako ng Marcos Administration partikular sa mga mahihirap na pamilya ng sapat na pagkain sa mga hapag kainan.

Bueno isa-isahin natin ang mga galit na galit na naging pahayag ng ilan nating mga Mambabatas at kinuwestyon ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil hindi umano nangyari na huhupa ang presyo ng bigas pagkatapos ang anihan.



Nitong nakalipas na Disyembre mga Ka Usapang HAUZ ginisa ng mga mambabatas sa Pangunguna ni House Speaker Martin G Romualdez ang mga opisyal ng DA at National Food Authority sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food.

Nag-ugat ang biglaang pagdinig sa Kongreso ng bumisita sina Speaker Romualdez at House Deputy Majority Leader for Communication at ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo sa mga pamilihan sa Q,C partikular sa Farmers Market sa Cubao kung saan nalula ang dalawang mambabatas sa presyo ng bigas, hanggang sa ngayon po mga Sir sobrang taas pa rin.



Eto mga Ka Usapang HAUZ sa naganap na pagdinig, sinabi ni Tulfo na nasa P52 hanggang P60 kada kilo ang ibinebentang bigas na kanilang nakita sa ginawang paglilibot, ayan mga DA officials Congressman na ang nagpapatunay na talagang mataas ang presyo, wala naman silang sinabi na hindi kayo kumikilos meron po ba?

“Whatever happened to that promise na bababa [ang presyo ng bigas], because people were waiting? Bakit hindi po bumaba?” tanong ni Rep.Tulfo na ang tinutukoy ay ang pangako noong Hulyo, Agosto, at Setyembre na huhupa ang presyo. Sana maulit muli ang paggisa sana samahan na rin ng bawang sibuyas at luya!.



Eto naman mga Ka Usapang HAUZ ang sinabi ni Speaker Romualdez na dapat matiyak na hindi nagsasamantala ang mga negosyante hindi lang ngayong kapaskuhan kundi sa mahabang panahon, paki tutukan po Mr. Speaker hirap na po ang mamamayan lalong naghihirap.

Eh baka sabihin ng National Food Authority (NFA) sa pangunguna ni chief Roderico Bioco na hindi natin binigay ang kanyang panig, eto po ang paliwanag ng opisyal, kaya daw hindi bumaba ang presyo ng bigas ay dahil sa kakulangan ng produksiyon noong 2021 at 2022 at paggamit ng mga magsasaka ng konting pataba at anunsiyo ng bansang Indonesia na bibili ito ng 2 milyong tonelada ng bigas, Bosing 2024 na ano sa palagay mo Sir Rep. Tulfo may tama ba?

Sa patuloy na pagdinig, sinabi ng chair ng komite na si Quezon Rep. Mark Enverga na umaasa ito na magpipresinta ang DA at iba pang ahensya ng mga impormasyon na magagamit ng komite sa paggawa ng hakbang kung papaano mapapababa ang presyo ng agricultural commodities gaya ng bigas at itlog ng manok. Korek ka dyan Cong. Mark paki sabi po sa DA paki dalian.

Eto naman po ang paliwanag ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian na tumaas ang produksyon ng bigas sa bansa kaya hindi na itinuloy ng ilang importer ang planong pag-angkat at bumili na lamang sa lokal na magsasaka. Ano nga po paki-ulit kelan tumaas ang produksiyon eh bakit hanggang sa ngayon super taas ng bigas sa mga pamilihan nagtatanong lang po?

Eto pa po mga Ka Usapang HAUZ ang iba pang naging pahayag ng buting DA Usec. Sebastian mas kumita ang mga magsasaka sa katatapos na anihan kumpara noong mga nakaraang taon. Sir personal kang magimbestiga sa mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela, Cagayan at maging sa probinsiya ng Aurora kung ano ang kanilang sinapit ngayong anihan muli nagtatanong lang po?

Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na nakatutuwang malaman na mas maganda ang kita ng mga magsasaka subalit nakababahala umano na ang mga kapitalista ang nagtatakda ng presyo. Dapat siguro Mam ipakulong ang mga kapitalista na mapagsamantala.

Dinagdag pa mga Ka Usapang HAUZ ni Cong. Vergara ang mahalagang papel ng NFA upang hindi baratin ng mga negosyante ang mga lokal na magsasaka. NFA kilos kilos din baka ma stroke.

Kung mag-iimbak umano ng bigas ang NFA, maaari itong bumili ng bigas sa tamang presyo para hindi baratin ang mga magsasaka.

Inamin naman ni Bioco na nahihirarapan ang NFA sa pagbili ng bigas dahil sa government-set guaranteed floor at ceiling price, ano po ang suhestiyon sir Bioco?

May pahabol si Rep. Tulfo sa naganap na pagdinig kung saan labis rin itong nababahala sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng itlog ng manok. Rep. Tulfo umaasa ang mga Ka Usapang HAUZ sa mabilis na aksiyon ng DA para matugunan ang sapat na pagkain sa hapag kainan.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036