Advertisers

Advertisers

128 na dayuhang pugante, naaresto ng BI noong 2023

0 19

Advertisers

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na may 128 na dayuhang pugante na wanted sa iba’t-ibang mga kaso sa kanilang mga bansa ang naaresto ng kanilang mga operatiba noong 2023.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng BI fugitive search unit (FSU) head Rendel Ryan Sy na ang mga dayuhan ay naaresto sa iba’t-ibang operasyon na isinagawa ng kanilang mga operatiba sa iba’t-ibang lugar sa bansa kung saan nagtatago o naninirahan ang mga dayuhan.

Inulat din ni Sy na halos lahat ng mga dayuhang naaresto ay nadeport at pinagbabayaran na ang kanilang mga ginawang krimen sa kanilang mga bansa.



Pinuri ni Tansingco ang FSU dahil sa kanilang mga nagawa, dahil nagpapaalala ito na ang Pilipinas ay hindi kanlungan ng mga dayuhang kriminal na nagtatago sa mga pag-aresto at pang-uusig mula sa mga krimeng kanilang ginawa sa kanilang mga bansa.

?“Our country is off limits to these foreign fugitives. They are not welcome here and there will be no letup in our campaign to hunt and deport them so they could be tried for the criminal cases that were filed against them,” pahayag ng BI chief.



Sa ulat ng FSU, may 39 South Koreans ang kabilang sa mga naarestong pugante, sinundan ito ng 25 Chinese, 15 Vietnamese, 12 Taiwanese, 11 Americans, at walong Japanese.

Ang mga krimeng nagawa ng mga pugante ay kinabibilangan ng economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at smuggling.



Isa sa mga natatanging pag-aresto ay nang madakip si Manpreet Singh at ang kanyang mga kasabwat noong Marso, na pinangalanan bilang miyembro ng extremist group na Khalistan Tiger Force sa India.

Kabilang din sa mga naaresto sina Risa Yamada, Fujita Kairi, at Sato Shohei na natunton noong January, March, at April dahil sa kanilang pagkakasangkot sa kilalang ‘Luffy’ syndicate.

Ang lahat ng mga naarestong pugante ay kabilang na sa immigration blacklist ng undesirable aliens kaya naman sila ay habambuhay nang hindi makakapasok ng bansa. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)