Advertisers

Advertisers

Sekyu hiningan ng pera ni misis, nanutok ng baril

0 15

Advertisers

Arestado ang isang security guard nang tutukan ng baril ang ka-live in sa Valenzuela City nitong Enero 12.

Kinilala ni Col. Salvador S Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station ang naaresto na si Aguilar, 39-anyos, at residente ng Barangay Pasolo, Valenzuela City. Samantala, kinilala ang biktima na si

Tinaliga, 44 anyos, kinakasama ng suspek.



Ayon sa ulat, hinihingian ng biktima ang suspek ng pambili ng kanilang pagkain habang nagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, hinatak ng suspek sa buhok ang biktima habang pinalalayas ito, “magp_kpok [babaeng binabayaran upang makipagtalik] ka na lang, kikita ka pa ng P1,500 kada araw,” sigaw pa ni Aguilar kay Tinaliga.



Matapos makalabas ng bahay nagtungo sa tindahan ang biktima. Sinundan ito ng suspek at tinakot, “gusto mo paghiwahiwalayin ko ang katawan mo? Itago ko ang ulo mo?”, pananakot ni Aguilar.

Dito na humingi ng tulong si Tinaliga sa tanggapan ng Barangay Pasolo na mabilis namang iniulat sa Malinta substation-4.



“Pagdating po ng pulis ng substation-4 sa bahay nung suspek, nakita po nila na may baril ito sa bewang,” pahayag ni PSSg Julius R Congson, imbestigador ng kaso, kasama si PCMS Laerma Sarmiento.

Kaagad inaresto nina PSSg Cherry G Signap at Pat Jonas S Villaflor si Aguilar. Walang maipakitang ligal na dokumento ng baril ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang Kalibre .99 mm na baril, walong bala, at isang holster.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9262 o ‘Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,’ at RA 10591 o ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’ si Aguilar, ayon sa pulisya.(Beth Samson)