Advertisers

Advertisers

Prangkisa ng mga unconsolidated PUVs babawiin ng DoTr pagsapit ng Peb. 1

0 12

Advertisers

TULUYAN na umanong mawawalan ng prangkisa ang mga public utility vehicles sa pagsapit ng Pebrero 1 sa susunod na buwan.

Idedeklara nang “kolorum” ang mga jeep na bigong tumalima sa consolidation sa mga kooperatiba o korporasyon alinsunod na rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Andy Ortega, maari parin namang sumali sa ibang kooperatiba ang PUV drivers at operators na nabigong mag-consolidated o mag-apply para sa consolidation.



Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itutuloy na ang PUV modernization program dahil marami ng operators ang nakapag-consolidate na umakyat na sa kasalukuyan sa 76%.

Ito’y sa kabila ng panibagong anunsiyo ng ilang grupo ng transportasyon na kilos-protesta na aarangkada ngayong araw.