Advertisers

Advertisers

3 lalaki arestado sa agaw-parcel modus

0 8

Advertisers

ARESTADO ang tatlong lalaki na itinuturong nagnakaw ng mga parcel ng delivery rider sa Barangay UP Campus sa Quezon City.

Ayon kay Lt. Colonel Ferdinand Casiano, hepe ng Anonas Police Station, nagkasa sila ng operasyon nang dumulog sa kanilang tanggapan ang 32-anyos na delivery rider Martes ng hapon.

“May nag-book sa kanya na parcel na worth P3,000 so dineliber ngayon sa area. Pagdating doon, mayroon pala nag-aabang sa kanya na grupo. So inagaw sa kanya yung parcel, nagdeklara ng holdap,” sabi ni Casiano.



Modus umano ng mga suspek ang mag-book o mag-order ng item sa mga delivery apps at babayaran umano ito sa pamamagitan ng cash on delivery o COD.

Pero imbes na bayaran, ninanakaw lang ng mga suspek ang mga item o parcels na bitbit ng kanilang biktimang rider.



“Once na i-deliver na yung item is tatakutin nila yung delivery rider, tangay na itong parcel na hindi nagbabayad kasi itong parcel ay cash on delivery pero walang aktwal talagang bayaran na mangyayari ang gagawin nila itatakbo nila ‘yung parcel,” dagdag ni Casiano.

Pasado 7:30 Martes ng gabi nahanap ng mga pulis ang mga suspek sa tulong ng mga kuha sa CCTV sa lugar.



Napag-alaman din ng pulisya na dati nang nakulong sa ilegal na droga at snatching ang tatlong suspek.

Pero ngayon sangkot na sila sa “agaw parcel” modus.

Hindi na nabawi ang parcel pero narekober ang dalawang ginamit na motorsiklo.

Patuloy na hinahanap ng pulisya ang isa pang sangkot sa insidente.

Mahaharap ang tatlo sa reklamong robbery.