Advertisers

Advertisers

4 PATAY, 26 SUGATAN SA ARARO NG BUS SA BATAAN

0 23

Advertisers

NASAWI ang apat katao at 26 ang sugatan nang araruhin ng isang pamapasaherong bus ang ilang sasakayan nang mawalang ito ng preno sa Dinalupihan, Bataan, Miyekoles ng gabi.
Ang mga nasawi ay isang 25-anyos na babae, isang estudyanteng babae, at 2 lalaki na hindi pa nakikilala.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Arayat Express Bus na si Edwin Sandoval, 54 anyos.
Sa report, 7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, Barangay Bangad, Dinalupihan.
Patungong Olongapo City ang bus galing Pampanga, at habang binabagtas ang pababa at kurbadang kalsada biglang nawalan ng preno ang bus nang tangkain ng driver na mag-overtake sa isang truck.
Dahil dito, hindi na nakontrol ng driver ang bus at unang sumalpok sa kasalubong ng jeep na puno ng pasahero galing Olongapo patungong Dinalupihan.
Nasalpok rin ng bus ang isang van, 2 tricycle sat isang motrsiklo bago ito bumaliktad.

Tatlo sa mga biktima ang hindi na umabot ng buhay sa ospital kabilang ang isang babae, isang estudyante ng Gordon College sa Olongapo City at 2 lalaki.

Habang ilan sa mga sugatan ang nilalapatan ng lunas sa Dinalupuhan District Hospital kasama ang driver at konduktor ng bus na nagtamo ng mga pinsala sa katawan.



Nahaharap ang bus driver sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to properties.(Mark Obleada)