Advertisers

Advertisers

Deadline para sa libreng civil and church wedding sa Maynila, April 30, 2024

0 29

Advertisers

ANG deadline para sa gusto ng libreng civil and church wedding na inaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay sa April 30, 2024 na.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna, na mayroong limit sa bilang ng mga pares na ikakasal na maa-accommodate lalo na sa kasal sa Simbahan. Ang pagtanggap din ng mga magpaparehistro ay first-come, first-served basis.

Bagaman at ang limit para sa mga aplikante sa libreng kasal sa Simbahan ay 100 na pares lamang pagdating sa civil wedding, ang bilang ng mga pares ay maaring lumagpas pa sa itinakda na nasabing bilang.



Nabatid kay Lacuna na tanging ang mga nakakumpleto ng requirements ang i-entertained at isasama sa ‘Kasalang Bayan 2024’ na gaganapin sa June.

Napag-alaman kay Encar Ocampo, hepe ng Manila Civil Registry Office, na alinsunod sa order ng alkalde, ang libreng kasal ay kinabibilangan ng free marriage license, wedding cord and veil, flower bouquet, arrhae (wedding tokens), reception and venue, wedding rings, church marriage and wedding service.

Kapwa ang civil at church wedding applicants ay obligadong magpakita ng certificate of no marriage (CENOMAR), marriage license na inisyu ng Manila Civil Registry at affidavit of cohabitation (para sa edad 23 o higit pa na nagsasama na sa nakalipas na limang taon at may anak na o mga anak na), birth certificate ng mga anak , birth certificate at valid identification card na naka-address sa Maynila at ito ay dapat na government-issued.

Para naman sa Church wedding registrants, sila ay kailangan na magproduce ng karagdagang dokumento, ? baptismal certíficate, ??confirmation certíficate, ?marriage banns (para sa mga hindi kabilang sa parish of Intramuros, interview/ church seminar.

Ayon pa kay Ocampo ang lahat ng interesado ay maaaring magpunta sa Manila Civil Registry Office, Room 117, Ground Floor, Manila City Hall Arroceros St. Ermita Manila. (ANDI GARCIA)