Advertisers
NAMAMAHO na ang lungsod ng Maynila dahil umano sa mga ga-bundok na mga basura na di na nahahakot ng mga garbage truck ng DPS.
Ang pagbaho ng lungsod ay napansin lang nitong pagpasok ng buwan ng Hunyo kung saan kitang-kita ang bulto ng mga basurang tinambak na lamang sa mga sulok at kanto ng mga kalsada.
Hindi daw ito nangyayari noong nakalipas na mga buwan dahil halos dalawang beses at minsan ay tatlong beses pa nga sa loob ng Isang araw dumadaan ang garbage truck sa mga kalye at loob mismo ng barangay na kanilang nasasakupan.
Ang pagdating ng mga truck na ito ay ina-anunsiyo pa sa mga loud speaker ng mga barangay. Ito ang hudyat na pwede na nilang ilabas ang kanilang basura.
Ngunit sa paglipas ng araw,naging kapansin-pansin na minsan na lang kung dumaan ang mga truck.Ito ay sa major road na lang duma-daan at hindi na pumapasok pa sa loob ng barangay.
Ang minsan ay nauwi na sa 2-4 na araw na hindi na ito nakikita at dumadaan sa major road at maski na sa minor road. Minsan may tsambang dumaan ang truck ngunit ito ay puno na ng basura kung kaya’t umaalis din agad.
Sa bandang huli ay napilitan na ang mga residente na itapon na lang ang kanilang mga basura kung saan-saan sulok at kanto kahit na wala pang truck na kukuha nito.
Dito na nag-umpisang maipon ang mga ga-bundok na basura na naging sanhi ng pag-alingasaw ng masamang amoy sa komunidad at karatig-pook.
Ilan mga Lugar na ginawa na yatang permanenteng tambakan ng basura ay ang Blumentrit, kahabaan ng Antipolo St., Jose Abad Santos Avenue, Gov. Forbes, Dimasalang at maraming Lugar sa Sta. Cruz, Quiapo, 1st at 2nd district ng Tondo.
Ultimo mga center island ay tinapunan na rin ng basura ng mga residente dahil umano sa inip sa pagdaan muli ng mga garbage truck.
Ano man ang ating maging dahilan ay mali pa rin tayo dahil dapat nating tandaan na ang basurang tinapon natin ay babalik din sa atin.Ang mga basurang ito din ang sanhi ng matinding pagbaha, ‘di po ba?
Maliban dito, sumabay din ang paglitaw ng sari-saring insekto tulad ng ipis, lamok at langaw na maaaring pagmulan ng sakit at karamdaman.
Sabay sa pagbaha, grabe rin ang paglabas ng mga daga sa kanilang lungga.May itim,meron ng nakakalbo, meron malaki at meron ding maliit lahat halos ng klase sobrang kadiri.
Alam di nating lahat kung gaano kadelikado ang mga daga lalo na ang ihi nito na pag pumasok sa ating sugat ay pwede nating ikamatay kaya ingat lang sa paglusong.
Sa puntong ito ay hindi natin malaman kung sino talaga ang dapat sisihin sa mga kaganapan.
Ayon kasi sa ilan mga basurero at empleyado ng DPS ay hindi na daw sila pinapasweldo ng city hall at tapos na rin anila ang kontrata kung kaya’t kinatamaran na nilang magtrabaho.
Ina-abangan na lang umano nila ang pagpasok ng bagong administrasyon ni Yorme sa Hulyo 1, 2025 at baka sakaling ma renew ang kanilang kontrata.
Sa panig naman ni Mayor Honey Lacuna, hindi rin natin alam ang kanyang plano at kung totoo ba ang mga binabato sa kanyang mga akusasyon.
Siguro naman, sa mga natitirang araw pa niya bilang Alkalde ng lungsod ay may plano pa rin itong maganda na siya niyang iiwanan sa ating mga Manilenyo.
Wait and watch na lang muna tayo dahil life is full of surprise.Dapat din nating sisihin ang ating mga sarili sa mga situwasyong kina-kaharap. Huwag tayong maging balagbag sa ating mga kilos at isip, isipin muna natin ng sampung beses bago natin gawin ang Isang bagay na matagal na nating alam na nakakaperwisyo.
GREETINGS:
HAPPY HAPPY 56TH BIRTHDAY TO MY KUMARE AND FRIEND OF MINE “LALA KATORSE” OF CALLEJON LUZ, SOLIS, TONDO, MANILA ON JUNE 24,2025.
MAY YOU HAVE MANY MORE BURTHDAYS TO COME… GOD BLESS… MABUHAY KA!!!