Advertisers
NAGLABAS ng update si Justice Secretary Fredderick Vida sa nangyaring kaguluhan sa Senado nang sinubukan isilbi ang warrant of arrest kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Vida, nagpadala na sila ng mga subpoena sa Office of the Senate Secretary para hilingin ipasa ang mga dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon sa insidente.
Hiniling rin ng DOJ sa Senado ang summary ng imbentaryo ng firearms maging ang security logs ng mga pumasok at lumabas ng senado.
Naglabas rin sila ng subpoena sa Commission on Audit (COA) para makuha ang mga dokumento upang matukoy kung ilan at kung sino-sino ang may hawak na armas na nasa Senado nung mangyari ang kaguluhan.
Maging ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosive Office (FEO) ay pinadalhan ng subpoena para makuha ang mga papeles at matukoy ang imbentaryo ng kabuuang bilang ng armas na naka-rehistro sa Senado.
Ipinaala ni Sec. Vida ang kaukulang parusa sa paglabag sa PD 1829, Obstruction of Justice, “kungsaan pakinggan natin ang pahayag ng kalihim hinggil dito”.