Advertisers

Advertisers

May kredibilidad pa ba itong Senate Blue Ribbon?

0 3

Advertisers

NAPAILING nalang ako nang mabasa ko ang pagkabuo ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee (SBRC) na pinamumunan ni Pia Cayetano.
Ilan kasi sa mga miyembro ng komite ay sangkot o iniim-bestigahan ng Office of the Ombudsman sa multi-billion peso flood control anomaly at iba pang kaso ng pandarambong.
Ito’y sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na kapwa  nahalal vice chairpersons.
At ang mga miyembro ay sina Bong Go, ex-convict Robinhood Padilla, magkapatid na Mark at Camille Villar, Chiz Escudero at Imee Marcos.
Sina Estrada, Escudero, Go at Marcoleta ay pawang iniimbestigahan ng Ombudsman sa kasong Plunder.
Actually, si Estrada ay nakalalaya lang sa piyansa sa kasong Plunder sa PDAF scam sa Sandiganbayan, at ngayon ay iniimbestigahan ng Ombudsman sa flood control scandal, kungsaan nakaporma na ang plunder case laban sa kanya.
Si Marcoleta ay swak din sa plunder sa ‘di pagdeklara ng P75-million contribution sa kanyang kampanya sa nakaraang eleksyon sa SOCE at SALN.
Hiniling na nga daw ng Tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan na maglabas ng Precautionary Hold Departure Order laban kay Marcoleta at sa mga nagbigay sa kanya ng P75m na sina dating Congressman Mike Defensor, Aristotle Viray at  Joseph Espiritu.
Gayundin sina Escudero at Go, nasa proseso na ng pagsasampa ng plunder laban sa kanila ang Ombudsman dahil sa “kickback” sa flood control fund, at pagkorner sa bilyones na halaga ng mga proyekyo sa Davao, ayon sa pagkakasu-nod.
Kaya mapapailing ka nalang talaga sa komiteng ito. Paano pa natin paniniwalaan ang kanilang mga pag-iimbestiga kung mismo sila ay nahaharap sa mga kasong pandarambong? Dapat ibinigay nalang nila sa miyembro ng minority ang komiteng ito, sasaludo pa tayo. Mismo!
Oo! Sa totoo lang, mga pare’t mare, nawala na ang kredibilidad ng Senado sa pag-upo ni Alan Peter Cayetano bilang Senate President. Ewan!
***
Ang limang Supreme Court Associate Justices na pabor maglabas ng temporary restraining order laban sa ICC arrest warrant kay Sernador “Bato” dela Rosa ay sina Justices Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier, Henri Jean Paul Inting, Ricardo Rosario at Antonio Kho Jr.
Sa kanilang magkakahiwalay na opinyon, binigyang-diin nila na mayroong mga seryosong usaping legal at konstitu-syonal na dapat munang himayin bago pahintulutan ang anumang pag-aresto o pag-turnover kay Bato sa ICC.
Sa botong 9-5-1 ng 15 Justices, nabigo si Bato na mabaril ang ICC arrest warrant laban sa kanya.
Si Bato ay isa na ngayong pugante, matapos tumakas sa kostudya ng Senado noong Mayo 11.
Posibleng makasuhan ng obstruction of justice sina Senador Robin Padilla at Senate President Alan Cayetano sa pagkatakas ni Bato.
Inamin ni Padilla na isinakay niya sa kanyang kotse palabas ng Senado si Bato, at sinabing utos daw ito ni Cayetano.
Mga lawmaker na law breakers!