Advertisers
Ni Beth Gelena
DAPAT pala ay pupunta na ng U.S. si Shaina Magdayao, pero nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang home studio para gumawa ng teleserye with Gerald Anderson kaya na-postponed ang kanyang plano.
Ani ng aktres sa isang panayam, “It is an answered prayer. I’ve been praying for reasons to stay longer.”
Hindi raw niya matanggihan ang plot ng serye at ang kasamang cast, kaya nag-decide siyang mag-stay.
Huling napanood si Shaina sa Pamilya Sagrado, at aminado siyang naging mapili na siya sa mga proyektong gagawin.
Sa previous interview ng Empower Hour ni Roni Hirshberg, aniya, “The longer you stay in the industry, you try to find more meaning and purpose into what you’re doing.”
Wika pa niya, “Life would definitely humble you. It will definitely make you realize that you do not know everything and that you are not in control of anything, which is why whenever good things happen in your life, you have to be grateful.”
Ang mga makakasama nina Shaina at Gerald sa teleserye ng Sins of the Father ay sina Seth Fedelin, Francine Diaz, Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, at LA Santos.
***
CLAUDINE ‘WALA AKONG UTANG NA LOOB SA INYO PERO KAYO MALAKI ANG UTANG SA AKIN’
NAKAPANAYAM nina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala sa kanilang YouTube Channel ang Optimum Actress na si Claudine Barretto.
Tila lalong nagiging mainit ang bangayan ng magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto kung saan dumating pa sa puntong binabantaan pa umano si Claudine ng kapatid nilang kampi kay Marjorie.
Sa panayam ng dalawang hosts, emosyunal na naglabas ng kanyang saloobin ang aktres ukol sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
Bungad ng Optimum actress, “Wala akong utang na loob sa inyo pero kayo malaki ang utang sa akin..”
Ayaw isumbat ng aktres ang tulong na ginawa, pero dahil sumabog na rin siya kaya hindi na siya nakapagpigil.
“Pagka nakalimot ka at nananakot ka, huwag mo hintayin pabayarin ko sa’yo.”
Dahil sa mga nabanggit ni Clau, nasabihan siya na ‘walang respeto sa kapatid’.
Pero, matapang niyang sabi, “Yes po, wala po akong respeto. Respect is earned. ”
Humingi rin siya ng sorry sa kanyang fans at netizens na nakasuporta sa kanya.
“I’m sorry sa fans ko na we have to wash our dirty linen in public but I have to. For my children’s sake. Mag-isa lang ako, wala akong katuwang, e.
“Sana malaman ng mga kapatid ko, wala akong ibang ginusto kundi padaliin ang buhay sa inyo para hindi kayo mahirapan.
“Ang sakit lang na kapag wala ka, ‘pag wala ka na pala, wala na rin ‘yung respeto.”
Dugtong pa niya, “Dumating sa point na i had to remind kasi baka nakalimutan nila, na once upon a time napaaral ko yung mga pamangkin ko, nabayaran ko yung renta ng bahay nila, natulungan ko sila sa mga negosyo.
“Ayokong manumbat e, pero minsan pag sobrang sakit mo nang magsalita, parang gusto kong, uy sandali remember when you were down i was there, when i was down wala kayong ginawa.
Ngayon mas pinaniniwalaan ng aktres, ang “Earlier i said blood isn’t thicker than water, if you wanna bring back whatever all of you did to me before, go ahead sirain niyo ulit ako, ginawa niyo naman noon e, pero do not expect that i would just sit back and accept this, because I’m not the Claudine anymore, I am not the Claudine that you can bully around no matter how old you are, wala akong utang na loob sa inyo, pero kayo malaki ang utang niyo sa akin.
Dugtong pa niya, “Huwag sana dumating ang araw na maglabasan tayo ng bank checks, dahil kapag tumulong ka hindi ka dapat nanunumbat, pero kapag nakalimot ka at nananakot ka, wag mo antayin na pabayarin ko sayo.
“So again if you wanna bring up whatever you did to me, whatever i did many years ago, tatanggapin ko, pero sana malaman ng mga kapatid ko na wala akong ibang ginusto kundi padaliin ang buhay ninyo para sa inyo para hindi kayo mahirapan.
Ang komento ng mga netizens: “The hardest betrayal is not from strangers—it’s from the people you once carried on your back. Respect isn’t demanded, it’s earned. Even family should know that.”
“Claudine, you are deeply loved by many — not just as an actress, but as a woman, a sister, and most of all, a mother who’s fighting silently and bravely for her children. You don’t deserve to carry the pain alone. ‘Respect is earned,’ and you have always given so much — your time, your heart, your sacrifices. It’s okay to speak your truth, lalo na kung ang katahimikan mo ay nagiging dahilan para ka masaktan. We hear you. We see you. And we’re hugging you with so much love and respect. Stay strong, Queen. #RespectIsEarned #ClaudineBarretto #SendingLove”
“Nung mga bata pa mga anak ni M.B. diba bineybi ni Claudine sinuportahan nya, kasama nya pa nga sa concert I remember si Jerry Yan yun ng F4. Mapagmahal sya sa mga pamangkin nya. Sad lang na nung kinasal wala sya. Di man natin alam ang totoong story nila, i hope one day magkapatawaran na sila para masaya. I love you Claudine. isa sa may pinaka-magandang mukha sa showbiz at pinaka-sikat at mahusay na artista sa mga Barretto.”
“pera pera talaga pag wala ka dedma sayo .”
“inaaway pa ni claudine si gretchen dati dahil ke marjorie”
Anyway, bukas ang aming kolum sa reaksyon ni Marjorie.
***
Aktres/host naka-isang dekada na
MAINE BINATI ANG SARILI ‘HAPPY AUDITION ANNIVERSARY, SELF’
SA Instagram ni Maine Mendoza ay may posted photo siya kung saan binalikan niya nang mag-audition siya sa Eat Bulaga.
Aniya sa caption: “A decade ago—where it all began,” may hashtag din siyang nilagay na “#2015” kumbaga ang 10th anniversary audition ng misis ni Cong. Arjo Atayde sa EB.
At doon na isinilang ang Yaya Dub Smash Queen na kinigiliwan ng lahat.
Then nagkaroon na ang EB episode ng Kalyeserye bilang si Yaya Dub si Maine kapareha si Alden Richards hanggang maging lady co-host na rin si Maine ng noontime show.
Si Maine na rin mismo ang bumati sa sarili, “Happy audition anniversary, self.”