Advertisers
Mukhang fully healed at blooming na ulit si Catriona Gray matapos ang naging hiwalayan nila ni Sam Milby noong 2024.
Sa recent event na dinaluhan niya, hindi naitago ng dating beauty queen ang kilig nang mausisa tungkol sa kanyang lovelife.
“I’m happy,” nakangiti niyang sagot sa entertainment press.
Pero kahit obvious na inspired na naman siya, mas pinili pa rin ni Catriona na maging pribado pagdating sa kanyang bagong relasyon.
“Love life is for me lang. And I’m happy, that’s all I’m gonna say,” sey pa niya.
Inamin din ng Miss Universe 2018 na medyo nakakatakot muling magbukas ng puso matapos ang isang failed relationship, pero pakiramdam daw niya ay nag-heal siya sa tamang paraan.
“A little bit scary, yeah. I think it’s a scary thing to open yourself up again, but I feel like I healed in the right way, I took my time and siguro, I’m just enjoying it,” aniya.
Natanong din si Catriona kung open ba siyang makatrabaho muli si Sam sakaling magkaroon ng magandang proyekto.
“Siguro, if it’s a good project, and it’s a project fit for me, I think that’s the consideration,” sagot niya.
Samantala, non-showbiz daw ang bagong espesyal na lalaki sa buhay ni Catriona kaya mas nae-enjoy niya ang tahimik at pribadong relasyon.
“It’s really nice to have something that’s just private,” dagdag pa niya.