Advertisers

Advertisers

Divine Villareal, astig ang bagong endorsement

0 10

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KINAMUSTA namin ang hot na hot na sexy actress na si Divine Villareal sa kanyang Facebook.

Tila kasi wala kaming nababalitaang new projects ang magandang talent ni Jojo Veloso.

Sa pagkaka-alam namin, ang last movie ni Divine sa VMX ay ang sex-comedy na “Kapag Tumayo Ang Testigo” na napanood last December 2025 pa.

Ayon kay Divine, hindi pa raw siya tumatanggap ng new project sa Viva lately. Pero ang latest news daw sa kanya ay ang pagiging endorser ng Drivemax Coffee and Drivemax Capsule.

First endorsement niya ba ito?

Tugon ng sexy actress, “Hindi po, bale pangtatlo ko na po itong endorsement.”

Ano ang na-feel niya nang kinuha siyang endorser nito?

“Sobrang sarap po sa pakiramdam at nakakataba ng puso na pinagkatiwalaan nila ako at ako yung napili nilang maging endorser ng kanilang products.”

Inusisa pa namin siya kung ano ang masasabi niya sa kanyang latest endorsement?

“Napaka effective po ng product nila, after 20 minutes ay nag-iinit na po talaga yung katawan ko, hahaha!” Nakatawang sambit pa niya sa astig na produktong ine-endorse.

Sa palagay niya, bakit siya kinuhang maging endorser nito? Pampasexy ba ang coffee at capsule na iyan?

Esplika ni Divine, “Hindi po sa pagmamayabang, pero sa tingin ko kasi sexy po ako at nakaka-akit sa mata ng kalalakihan.

“Ang Drivemax ay isang product na nagpapa-init sa katawan ng tao para ganahan sa pakikipag-sex at para tumagal ang pakikipagtalik sa kanilang partner.”

So, super effective na product ito? Pero paano kung walang partner?

Aniya. “Sobrang effective po at isa po ako sa magpapatunay nito.

“Kailangan nyo po talaga nang partner, kasi sobrang mag-iinit po talaga kayo rito. Pero siguro po, puwede rin naman pong magsarili, hahahaha!” Nakatawang sambit pa ni Divine.

-30-