Advertisers

Advertisers

Unang araw ni DOLE Sec. Tolentino, may nasampolan na; Region 3 Director sinuspinde dahil sa pagguho ng gusali sa Pampanga

0 4

Advertisers

Pinatawan ng preventive suspension ng isang buwan ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 Director Geraldine Panlilio dahil sa pagguho ng 9-storey building na itinatayo ng Golden Years Construction sa Angeles, Pampanga.

Sa turn over ceremony , sinabi ng bagong Labor Secretary Atty. Francis ‘Tol’ Tolentino na ngayong araw pinirmahan at ipapatupad ang suspensyon ng nasabing opisyal .

Paliwanag ni Tolentino , ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pagguho ng gusali kung saan hahalili kay Panlilio ang Assistant Director ng nasabing region.

“Para maimbestigahan ng maayos kung bakit na-lift yung work stoppage order ” , ayon kay Sec.Tolentino.

Tila ikinagulat naman ni Panlilio ang pahayag ng kalihim dahil katabi lamang niya ang opisyal nang ianunsyo ang suspensyon.

Sinabi naman ni Panlilio na handa nilang harapin kasama ang kanyang buong team na na-involved sa pag-isyu ng work stoppage order gayundin ang pag-lift nito ay kanilang haharapin.

Umaasa si Panlilio , na makikita ng buong bayan na matiyak na ginawa nila ang kanilang trabaho..

“Our Secretary has the right naman po na look onto the matter and we are prepared to face this”.

Aminado si Panlilio na bilang siya ang nag isyu ng work stoppage order at pag-lift nito pero aniya sasagutin nila ito sa tamang forum .

Giit ni Tolentino , bagamat nag-isyu ng work stoppage order at ito ay na-lift pero binigyang diin na dapat ay hindi lamang isang beses nagsasagawa ng inspeksyon kung talagang nakakasunod ang may-ari at contractor ng gusali sa safety compliance . (Jocelyn Domenden)