Advertisers

Advertisers

Most wanted sa Valenzuela, timbog sa Bulacan

0 13

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na kabilang sa listahan. ng mga most wanted persons sa Valenzuela City nang maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Marilao, Bulacan.

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na nagtatago umano ang akusadong si alyas “Jose” sa Bulacan.

Sa team ni WSS chief P/Lt. Ronald Bautista, at mga tauhan ng Northern Maritime Police Station, Navotas City sa pangunguna ni PCMS Miguel V Perez lll , nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado 12:20 ng hapon sa Beverly Homes 1, Barangay Prensa 2, Marilao, Bulacan.



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 172, Acting Presiding Judge Mateo B Altarejos noong January 12, 2024, para sa 2 counts ng Sexual Assault under Art. 266-A 2 of the RPC in relation to Sec. 5 B of R.A. 7610, as amended by R.A. 11648.

Hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte habang nasa kustodya ng Facility unit ng Valenzuela PNP ang akusado.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">