Advertisers

Advertisers

AGONG OFWS LOUNGE SA NAIA, IKINATUWA NG LIBO-LIBONG ‘PINOY ABROAD’

0 45

Advertisers

BUMILIB sina Manila International Airport Authority (MIAA) general Manager Eric Ines kasama ang OFW Partylist Mariza Del Mar at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio sa bagong OFWs lounge na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 departure area noong Miyerkules ( January 31 )

Nakita ni Ines kung paano nag-enjoy ang mga kababayang Pinoy sa kanilang pamamalagi sa lounge habang naghihintay ng kani-kanilang flight. Nasiyahan ang mga ofws sa pagkain tulad ng paboritong Pinoy na mainit na arroz caldo, malamig at mainit na inumin, meryenda, cookies at biskwit at isang charging station para ma-recharge nila ang kanilang mga cellular phone nang libre sa pamamagitan lamang ng pagpirma sa guest book.

Sa pagbisita, nabalitaan ni Ines na magbibigay ang pamunuan ng UBE Express ng 50 porsiyentong diskwento sa lahat ng tauhan ng MIAA at kaparehong diskwento para sa mga pinoy workers.



Sinabi rin ni Ines na magkakaroon ng higit pang pagpapabuti sa paliparan upang magbigay ng kaginhawahan, at walang abala na karanasan sa paglalakbay para sa lahat ng air travelers sa pangunahing gateway ng bansa habang nanawagan siya sa atensyon ng mga miyembro ng Airline Operators Council (AOC) na tulungan siya tungkol sa On-time Performance (OTP).

Inutusan din ng NAIA Chief ang Airport Police Department (APD) na pumunta sa site upang tumulong sa pag-decongest ng trapiko sa lahat ng terminal ng NAIA partikular sa terminal 3. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">