Advertisers
INIHIRIT ni Senadora Grace Poe na dapat ng magkaroon ng mahigpit na batas para masawata ang financial fraud at maprotektahan ang pinaghirapang kita ng mga Pilipino partikular ang maraming gumagamit ng online banking at digital payments sa kasalukuyan.
“They say that there are only two certain things in life: death and taxes. Ngayon, mukhang kinakailangan na nito ng amendment: death, taxes, and scams,” pahayag ni Poe.
“These fraudulent schemes and rackets have become the bane of our financial consumers,” wika pa niya.
Bilang isa sa mga sponsor ng Senate Bill No. 2560 o Anti-Financial Account Scamming Act, na kanyang inihain noong 2021, sinabi ni Poe na ang panukala ay “borne of necessity.”
Ang COVID-19 pandemic ang nagtulak sa mga tao na umasa sa online finance transaction. Subalit, ang digital transaction din aniya ang pinagmumulan ng panloloko ng iilan.
Kamakailan, binanggit din ni Poe na may ulat na may 120 e-wallet account holders ang nawalan ng pera dahil sa phishing scam batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ilang taon na ang nakakaraan, ayon kay Poe, may mga guro rin naloko nang maibigay nila ang kanilang financial details hanggang sa mawalan ng P26,000 hanggang P121,000 mula sa kanilang bank account.
“These stories and other countless reports of scams, shams, and other deceits only cement our status as a scamming hotbed in Asia,” diin pa ni Poe.
Noong 2022, panglima ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia pagdating sa phishing attacks. Sa taon ding iyon, nawalan ang bansa P623 milyon dahil sa fraud; P623 milyon sa phishing at P409 milyon sa identity theft.
“Mas malala pa ito as cybersecurity experts believe that these incidents will only get worse in 2024 and beyond,” aniya pa.
Nauna nang tumulong si Poe sa pagpasa ng Republic Act (RA) 11934 or the SIM Registration Act para mapalakas ang seguirdad ng digital transaction.
“Ngayon naman, hihigpitan natin ang seguridad ng ating mga financial accounts tulad ng GCash, Maya, online banks, pati mga e-wallets ng mga pinakagamit na apps tulad ng Shopee, Lazada at Grab,” patuloy ni Poe.
Nabatid na siya rin ay co-author ng RA 11765 o Financial Products and Services Consumer Protection Act para maprotektahan ang mga konsyumer sa financial products at services tulad ng credit, securities, at investments. (Mylene Alfonso)