Advertisers

Advertisers

706 preso pinalaya ng BuCor

0 12

Advertisers

NASA 706 preso (persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sabi ng BuCor, ang mga pinalayang PDL ay mula sa mga kulungan at penal farms, kungsaan ang mga ito ay napawalang-sala, natapos na ang kanilang maximum na sentensiya, nakapagpiyansa, nabigyan ng probation at parole sa pamamagitan ng ‘writ of habeas corpus’.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang 706 PDLs na pinalaya ay mas marami kumpara sa nakaraang taon na 469 ang pinalaya.



Sa administrasyon ni Marcos, Jr., nasa 12,053 PDLs na ang napalaya, bahagi ito ng kanilang programa upang lumuwag ang mga kulungan.

Samantala, nasa 93 BuCor personnel ang nagtapos nitong Miyerkoles ng Corrections Officer Custodial Basic Course.



Sabi ni Catapang, ang nasabing mga graduate ay kinabibilangan ng composed 4 Corrections Officer 1 at 9 Corrections Technical Officer 1. Ang mga ito ay idi-deploy sa iba’t ibang colony na nasa hurisdiksiyon ng BuCor.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">