NASAWI ang dalawang lalaki nang pagbabarilin habang sakay ng multi-cab sa Sitio Bangkwang, Barangay Datu Kilay, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur nitong Huwebes, February 29, 2024.
Kinilala ang nasawi na si Rashied Lumanggal, nasa tamang edad, ng Mirab, Upi Maguindanao Del Norte; habang ang isa ay hindi pinangalanan.
Ayon sa Maguindanao Del Sur Police Provincial Office, sakay ng kulay blue Suzuki multicab (MAX 2019) ang mga biktima patungo sa direksyon ng Datu Saudi Ampatuan nang sundan ng riding in tandem at pinagbabaril.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang mga biktima na ikinasawi ng mga ito.
Nakuha sa loob ng sasakyan ng mga biktima ang isang pistola at jumbo sachet ng shabu.