Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DREAM come true para sa newbie actor na si AJ Ferrer ang mag-artista.
Pero sobrang bonus na maituturing na sa unang pagsabak niya sa pag-arte ay napili na agad siyang makapagbida sa pelikulang “Pitik Bulag.”
“Noong una po, pangarap ko lang po ang mag-artista pero di ko po ini-expect na I will play the lead role po,” ani AJ.
Dagdag pa niya, napakalaking challenge raw sa kanya ang gampanan ang role ni Coco sa nasabing pelikula.
“Proud po ako na maging bahagi po ng isang advocacy movie like Pitik Bulag. Being a millennial, I want to be a voice of this generation through our film at sa mensahe po ng movie namin,” ani AJ.
Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang role sa nabanggit na pelikula.
“Tulad po ni Coco, I’m also close to my mother. Iyong bond niya with his mother, ganoon ko rin po trini-treasure ang moments ko with my family especially my mother who is very supportive po sa career ko,” paliwanag niya.
Ang Pitik Bulag ay isang napapanahong pelikula na hindi lang tumatalakay sa relasyon ng mag-ina kundi pati na sa pagkakaibigan.
Ipinakikita rin sa pelikula ang trahedyang dulot ng hazing culture sa mga paaralan.
Kasama rin sa cast ng pelikula ang Sparkle artist na si Domnic Pangilinan.
Ang Pitik Bulag ay iprinudyus ng CK Film Productions ni Capt. Carlito B. Drilon, isang Dumangas, Iloilo-born filmmaker na malaki ang pagmamahal sa paglinang ng kulturang Pinoy. Sa panahon ng social media at digital content, naniniwala kasi siyang napakalakas pa rin ng impluwensiya at ambag ng pelikula sa paghuhubog ng kaisipan hindi lang ng mga manonood kundi pati na ng mga kabataan.
Ang “PITIK BULAG,” na isang kolaborasyon ng CK Film Productions at Sining ng Tahanan ay mula sa direksyon ni Hanaiah Grace.
Kasama rin sa creative team ang DoP na si Rachel Atienza, writer Lotlot Bustamante, actress Angel Raymundo, at award-winning screenwriter at consultant Tomashiwa Dumapit. Tampok din sa cast sina Aldrich Darren, Jassy Calupitan, Migz Coloma, Floyd Florentino, Ice Dominique Gelo Feliciano, Raquel Coloma, Kangol DJ, Lucas Elep, Charmaine Joy Banico, Kim Amarille, Lotlot Bustamante, Raul Dela Cruz, Leah Viaje at Nilo Loquinario.
May special participation naman sina Mike Yamson, Capt. Carlito B.Drillon at Mommy Dionisia Pacquiao.
Target ng CK Productions na maipalabas ang ‘Pitik Bulag’ sa mga iskul para magkaroon ng awareness ang mga estudyante tungkol sa hazing at bullying.
***
Iconic operas ekslusibong mapapanood sa Ayala Mall cinemas
Ekslusibong mapapanood ang iconic operas sa Ayala Mall cinemas sa The CCP’s The Met: Live in HD sa 9th season nito.
Tampok ang mga klasikong opera na Der Rosenkavalier ni Richard Strauss, Nabucco ni Giuseppe Verdi, Carmen ni Georges Bizet, X: The Life and All Times of Malcolm X ni Anthony Davis, La Forza del Destino ni Giuseppe Verdi, La Rondine ni Giacomo Puccini, at Dead Man Walking ni Jake Heggie.
Sa Marso 5, mapapanood ang Der Rosenkavaller na tampok ang tanyag na sopranong si Lise Davidsen.
Sa Abril 2 naman aarangkada ang Nabucco ni Giuseppe Verdi.
Sa Mayo 7 naman mapapanood sa big screen ang Carnen ni Georges Bizet.
Ang makulay na buhay ng American freedom fighter na si Malcom X sa X: The Life and Times of Malcolm X” ay tatalakayin sa Hunyo 4.
Kaabang-abang ang obra maestra ni Yannick Nézet-Séguin sa La Forza del Destino sa Hulyo 2.
Ang bittersweet love story naman na La Rondine ni Puccini ay nakatakdang magkaroon ng world premiere sa Agosto 13.
Ang masterpiece ng American composer na Dead Man Walking ni Jake Heggie ay tampok sa Setyembre 3.
Lahat ng screenings ay gaganapin sa Ayala Malls Greenbelt 3 Cinema 1 sa ganap na alas 5:30 ng hapon.
Para sa tickets bisitahin ang Greenbelt ticket booths o mag-log in sa www.sureseats.com.