Advertisers
NATAGPUANG bangkay ang isang sundalo sa gilid ng kalsada sa Barangay Baloybuan, Pagadian City nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Erlito Guinalaran Pacaña, miyembro ng Philippine Army at residente ng Barangay Langapod, Labangan, Zamboanga Del Sur.
Ayon sa Labangan MPS, dumalo ang biktima sa isang vigil para sa kapwa sundalo na namatay sa lugar, at sa pag-uwi nito pinaniniwalaang naaksidente ang single motorcycle na kanyang sinasakyan, dahilan ng kanyang pagkasawi.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya. Bukod sa aksidente, tinitingnan pa nila kung ano pa ang dahilan ng pagkamatay nito.