Advertisers
Nasawi ang isang mister nang pagsasaksakin ng kalugar sa Navotas City, Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si alyas ‘Fred’, 45 ng A. Cruz St., Brgy., Tangos South.
Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Navotas police habang nahaharap sa kasong Murder ang suspek na si alyas ‘Victor’, 43, mangingisda at residente din sa nasabing lugar.
Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes, 9:10 ng umaga nang maganap ang pananaksak ng suspek sa biktima sa hindi malaman na dahilan sa kahabaan ng A. Cruz St, Brgy Tangos South.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon dala ang ginamit na armas habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subali’t, hindi na rin ito umabot ng buhay.
Sa isinagawa namang follow-up operation ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 agad nanaaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang isang patalim na ginamit sa pananaksak.(Beth Samson)