Advertisers
NASAWI ang tatlong lalaki nang paulanan ng bala habang lulal ng isang tricycle sa San Ildefonso, Bulacan.
Lulan ng tricycle ang mga biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin sa Purok 7, Barangay Basuit 6:10 ng umaga ng Sabado, Marso 16.
Ayon pa sa impormasyon, hinabol ng mga salarin ang tricycle hanggang sa maabutan at pagbabarilin ang mga biktima na kaagad namatay.
Ilang residenteng namimitas ng kanilang pananim ang nakarinig ng mga putok ng baril sa lugar.
Habang sinusulat ang balitang ito, may impormasyong nakitaan ng mga pulis ng used electrical wires ang loob ng tricycle na sinakyan ng mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Thony Arcenal)