Advertisers

Advertisers

Jeric Raval kinausap si Aljur para pakasalan ang anak na si AJ

0 5

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ni Morly Alinio, kinumusta ng showbiz journalist si AJ Raval sa ama nitong si Jeric.

Diretsahan ding tinanong ng radio anchor at vlogger si Jeric kung totoo ang mga espekulasyon na buntis na si AJ sa partner nitong si Aljur Abrenica.



Idinenay naman ito ni Jeric.

Aniya, tuwing nagla-lie low daw o nagbabakasyon ang anak ay madalas na natsitsismis itong buntis.

Itinanggi rin niyang nagkakalabuan na ang showbiz couple.

Sey pa niya, very much intact daw ang relasyon ng dalawa dahil madalas silang magkasama.

Aminado naman siyang may mga pagkakataon na tila kinatatamaran na ng anak ang paggawa ng pelikula.



Kapag daw minsan na napupulaan o naba-bash ito ay may tendency itong mawalan ng interes sa kanyang ginagawa.

Nilinaw din niya na hindi siya tutol sa pag-iibigan nina Aljur at AJ.

Bilang ama, concerned lang daw siya sa kanyang anak na dalaga.

Katunayan, kinausap daw niya nang masinsinan si Aljur dahil wish niyang pakasalan nito ang kanyang anak..

Muli rin niyang klinaro ang matagal na isyung ipinupukol sa kanyang anak na diumano’y may anak ito sa pagkadalaga.

Hindi raw ito totoo dahil ang madalas daw kasing kasama  noon ni AJ ay mga anak ng kapatid kaya napagkamalan itong may anak na.