Advertisers

Advertisers

Ilang mag-aaral nagpasaklolo na kay PBBM para kastiguhin ang mataas na opisyal ng CHED-Luzon

0 16

Advertisers

HUMINGI na ng saklolo ang ilang mag-aaral kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , para aksyunan at disiplinahin ang isang mataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) sa Luzon.

Ayon sa ulat kinilala ang nirereklamo na si Dr. Aldrin Darilag na professor din sa Don Honoria Ventura State Universtity (DHVSU) sa Pampanga dahil sa kasong grave misconduct, neglect in the performance of duty and abuse of authority or oppression.

Nabatid sa reklamo, sinabi ng isang Tourism student na kailangang paboran ng mga mag-aaral ang ilang kagustuhan ni Darilag para makapasa sila sa pag-aaral at maka-graduate.

Ayon sa ulat, isang halimbawa umano ng reklamo ng isang MBA student na kahit na kumpleto sa lahat ng requirements ay nabigyan pa ng professor ng grading Incomplete dahil hindi ito pumayag sa sinasabing ‘kahilingan’ ni Darilag.

Sinabi pa sa ulat ng  mga nagrereklamong estudyante na malinaw na isang paglabag ang aksyon ng naturang official ng CHED ay isang grave misconduct, neglect of performance of duty at abuse of authority.

Kaugnay nito patuloy naman  ang sigaw ng mga mag-aaral na kastiguhin si Darilag sa umano’y maling gawain nito.

Samantala, nabatid na ang bagay na ito umano ay naiparating na kay CHED Chairperson Prospero de Vera III at iniatas na ng Office of the President na suspendihin si Darilag para hindi makaapekto sa isasagawang imbestigasyon.  (Boy Celario)