Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISA si Niño Muhlach sa may mahalagang role sa Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nahinto lang daw ang pagte-teyping ni Niño dahil sa iniinda nitong sakit at kirot.
Sey pa ni Niño na nahihirapan ito magdayalog dahil sa pagkirot at pamamaga.
Na-curious ang netizens kung ano ba ang iniinda ni Onin kaya naputol ang teyping nito sa BQ.
Ayon kay Onin, napakalaki ng kanyang pimples na di kaaya aya ang tinubuan.
Nasa loob daw ito ng kanyang ilong kaya kapag nagdadayalog ito ay hirap at masakit talaga.
Kaya naman ipinakunsulta na ito at sinugod sa hospital.
Imbes sumakay sa ambulansya ay sunundan na lang ito ng aktor para sa pagbibigay lunas sa kanyang malaking taghiyawat na tumubo sa loob ng kanyang ilong.
Maraming naka-relate kay Onin regarding sa pagtigil muna nito sa teyping ng BQ dahil sa namamagang pinples na nasa loob ng kanyang ilong.
***
HUWAG nga lang daw magkaroon ng aberya ay may petsa na kung kailan sisimulan ang reunion project nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Agosto ngayon taon daw napagkasunduan ng buong team na simulan ang paggiling ng part 2 or sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn at Alden.
May mga tsika pa nga na kung sino ang mga kasama sa part 1 ay siya pa rin dapat ang kasama sa part 2.
Matatandaan na may scene si Kathryn sa unang part na nasa airport ito at patungo ng Canada para ipagpapatuloy ang dream para sa natapos na kursong nurse.
Dagdag sitsit pa na tila natatakot ang ibang film producer na makipagsabayan sa film nina Kathryn at Alden na matunog na ilalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.
Well, well, well…’Yun na!