Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
NAGTAGUMPAY ang Kapuso aktres at komedyana na si Pokwang sa kagustuhan niyang mapaalis ng bansa ang dating kinakasamang si Lee O’ Brian.
Sa bisa ng reklamo ni Pokwang na illegal na pagtatrabaho ni Lee sa Pilipinas ay ipina-deport na ito ng mga tauhan ng Bureau of Immigration last Monday, April 8, huh!
Sa panayam kay Pokwang sa programang “Fast Talk with Boy Abunda “ nung Huwebes ng hapon, Abril 11, magkahalong saya at lungkot ang aktres.
Wala na yung galit sa puso ni Pokwang nang tanungin tungkol sa masaklap na kapalaran ng dating karelasyon.
“Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon,” seryosong paliwanag pa ni Ms. P.
Dagdag pa ng magaling na aktres na
makapagpo-provide na raw silang pareho ni Lee nang mas maayos para sa anak nila.
“Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito. Puwes, paano siya makakapag-support sa anak niya? Ganoon din naman ako, di ba?
“Habang nandito siya, ang daming nakakarating sa akin na hindi maganda na may [mga] katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho,” tuluy-tuloy pang pahayag ni Pokwang.
Dagdag pa ng komedyana na tuluyan na raw niyang tinuldukan ang kabanata ng buhay niyang may kinalaman kay Lee, pero nagbitaw ito ng salita na hindi niya ipagkakait ang anak na si Malia sa ama nito.
“Pareho lang kaming apektado. Pero when it comes sa karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya.
“Anuman ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.
Walang problema raw kay Pokwang kung gustong dalawin ng anak niya ang ama at ganun din daw naman si Lee sa anak nila, huh!
Nais pa rin daw ni Pokwang na magkaroon ng maayos na kinabukasan si Lee.
“At least for the peace of mind of both sides, makapagtrabaho siya nang maayos. Kasi nga dito, bawal siya magtrabaho, so paano ang buhay niya rito, di ba?
“Sayang kasi may pinag-aralan naman siyang tao. Gamitin niya yung natapos niya. Gamitin niya doon, magtrabaho siya.
“Mag-ipon siya, hindi lang para kay Malia, para sa sarili rin niya. Kasi 49 na siya. Ayusin na niya ang buhay niya,” sey pa ng komedyana.
***
AIKO TULOY NA ANG KASAL, INIMBITAHAN NA SI OSANG
MUKHANG malapit na ring ikasal ang aktres at politician na si Aiko Melendez.
Mismong sa aktres nanggaling ang pag amin dahil isa si Rosanna Roces sa inimbita niya, huh!
“Pag kinasal na ako dapat andu’n ka na baka ikaw na lang inaantay maka-attend para mawala ang sumpa, labyu my sister,” mensahe ni Coun. Aiko kay Osang
Magkasama sina Aiko at Rosanna sa “Sagrado Pamilya” na isang TV series na sinu-shoot nina Aiko at Osang sa Baguio City kasama sina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Shaina Magdayao, Mylene Dizon at marami pang iba.
May special participation sina Cristine Reyes at Bela Padilla. Ito ay under Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.
Dahil din sa naging closeness nina Aiko at Osang ay natupad ang matagal nang plano ni Aiko na maging guest ang huli sa kanyang YouTube channel.
Tiyak na maraming pasabog si Osang sa guesting niya and knowing her tiyak na may halong kalokohan ang tsikahan nila ng konsehala ng ikalimang distrito ng Quezon City.
May post naman agad si Aiko ng larawan nila ni Rosanna at mga naalala niyang pinagsamahan nila nung magkapitbahay pa sila sa Quezon City.