Advertisers

Advertisers

PBBM ipalalabas kay Duterte ang ‘secret deal’ sa China

0 13

Advertisers

NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makipagpulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa “gentleman’s agreement” nito China.

Subalit may kondisyon ang Pangulong Marcos bago mangyari ang pag-uusap.

Nais ng Pangulong Marcos na ipadala muna sa kaniya ang mga nasabing dokumento kaugnay sa “secret deal” bago sila mag-usap.



Pahayag ni Pangulong Marcos, nais niya makita ang dokumento nang sa gayon kaniyang mai-rebyu at mapag-aralan kung ano ang nakapaloob sa “gentleman’s agreement.”

Sinabi ng Pangulo, direktang ipadala sa kaniya ang nasabing dokumento at huwag ng idaan sa Department of Justice (DOJ), Department of Foreign Affairs (DFA) o sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.



“Pag-aaralan ko, mag-uusap kami kung gusto n’ya,” ayon sa Pangulong Marcos.

Kumpiyansa kasi si Pangulong Marcos na nagkaroon ng “secret agreement” ang dating administra-syong Duterte sa China hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.



Samantala, sa kabila ng mga personal na pag-atake, hindi parin itinuturing ni Pangulong Marcos bilang kaaway sa pulitika si dating Pangulo Rodrigo Duterte.

“I don’t consider him a political enemy. It takes two to tango. I don’t consider him a political enemy,” ani President Marcos sa isang panayam sa mga media sa Washington DC.

Tinanong kasi ang Pangulo kung magiging magka-away na sila sa pulitika ng dating pangulo matapos suspindihin si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.