Advertisers

Advertisers

Jose inamin, tinanggihan ang mga na alok na pumasok sa pulitika

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KILALANG-kilala si Jose Manalo bilang si “Mayor” sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga! kaya tinanong namin si Jose kung sa tunay na buhay ba ay may plano siyang pasukin ang pulitika?

“Hindi,” mabilis na sagot ni Jose.



Pero aminado si Jose na may mga nag-alok na sa kanya na tumakbo.

“Marami!”

Bakit ayaw niya?

“Ang sarap ng buhay ng walang kagalit, e! Kasi pag nag-pulitiko ka, lalo na mag-u-umpisa ka dun sa Chairman, papanhik ka, Konsehal, Mayor, blah, blah, blah, hindi mo alam yung kaharap mo, ‘Ano ba ‘to, akin ba ‘to?’

“Ang sarap nung wala kang kalaban.”



Dagdag pa ni Jose…

“Gusto kong mag-serve kaya ang ginagawa ko, iyon ang lagi kong pinapanalangin, ‘Lord, gamitin mo ako. Gamitin mo kami.’

“Gusto kong mag-serve. Meron naman other way na para makapaglingkod ka sa bayan mo na hindi ka papasok sa pulitika.

“Which is eto na yun.

“Ang importante lang naman, bakit ka ba tumatakbo? Para bigyan mo ng kaligayahan ang mga tao.

“Eto yun. Eto yung return na binibigay natin.

“Ang pulitika kasi napakahirap, talking about politics and religion mahirap.”

Kaya never daw papasok si Jose sa pulitika.

“Ayan alam ni Wally yan, kahit pag nagsu-shooting kami sasakay ng sasakyan, ako magda-drive manual, hindi ko kaya. Hindi ko kaya, inaamin ko agad hindi ko kaya.

“Si Wally, nakakapag-[manual], siya magda-drive.

“Ibig kong sabihin hindi kami sumusubo sa isang bagay na hindi namin kaya. Kagaya sa Manila, pag may kumukuha sa amin, malaking event, hosting. Host kami sa Bulaga alam namin kung paano kami mag-host, kung ano’ng klaseng host.

“Pero yung seryosong host, corporate hindi namin pinapatulan yun, hindi kami tumatanggap kahit sabihin mong malaking bayad.

“Kasi alam naming hindi namin forte. Sa ganung hosting kailangan the way you pronounce, lahat, hindi kami iyon, e.

“Comedian kami, iyon ang forte namin.”

Alam ng lahat na nanggaling sila from humble beginnings, ngayon ay dalawa sila sa itinuturing na comic icons ng Pilipinas, ano ang maipapayo nila sa mga nagsisimula pa lamang sa larangan ng comedy?

Aniya, “Mahalin nila yung trabaho nila. Pag-aralan pa. Walang katapusang learning yan, ganun naman ang buhay, e. Aral pa, mahalin yung trabaho at huwag sayangin yung binigay na talent sa iyo.

“Marami tayong artista na sayang walang nangyari, hindi nakaipon. Kasi it’s a blessing kung anuman yung ginagawa mo ngayon, kung ano yung binibigay sa iyo, ingatan mo na at bigyan mo ng halaga para tumagal ka.

“At yung pakikisama number one. Kailangan huwag kang masyadong magpasilaw sa palakpak ng tao.

“Huwag mong sayangin yung talent. Kanya-kanya tayong talent, talent sa pagmamaneho, talent sa negosyo, eto yung talent mo, e.

“Ingatan mo kasi binigay Niya sa iyo yan so huwag mong sayangin at huwag mong gamitin sa hindi maganda.”

Kailan lamang ay nakasama kami mismo nina Jose at Wally Bayola sa Canada para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024 na produced ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano.

Tatlong venues ang pinagdausan ng kanilang concert; ang una ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver noong March 27, 2024 na sinundan sa Rajveer Banquet Hall sa Calgary noong March 30 at ang pinakahuli ay sa TCU Place sa Saskatoon noong March 31.

Nakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with the special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.

Special mention din kay Bonny Cayabyab na bukod kina Loren at Rhodora, ay inasikaso kami na mabuti sa Canada.