Advertisers
MARIING nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) na kanilang huhulihin ang mga unconsolidated na pampasaherong jeepney pagdating ng Mayo 1.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, na kanilang mahigpit na susundin ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi na papalawigin pa ang deadline ng consolidation ng mga pampasaherong sasakyan para sa PUV modernization program.
Makikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makuha ang listahan ng mga maituturing na kolorum na sasakyan.
Mahaharap sa kaso ang mga mahuhuling kolorum at ang kanilang sasakyan aniya ay ma-iimpound.